Entries from October 2008

October 3, 2008

Welding

Idinikit mo ang nagbabagang
welding rod
sa akin, at ako’y dahan-dahang nilusaw–
hanggang maramdaman kong magkahinang
na ang mga katawan nating metal.
Habambuhay tayo
sa ganitong posisyon,
umaasang walang kalawang
na sa ati’y makapaghihiwalay.

October 3, 2008

Kulangot sa Pader

Kinalimutan mo ang pagdungaw-
dungaw; ngayon, ikaw’y masiglang
kumakaway-kaway,
nagpapapansin
sa daan-daang
nagdaraan.
Maya-maya’y nakahimlay,
makikita ka, nakayap
sa malamig na pader,
walang kasama.