Ikaw ang sumasalo sa bigat ng katawan ko sa maghapong paglalakad. Ikaw ang pumuprotekta sa akin laban sa marahas na rabaw ng kalsada. Ikaw ang kasama ko, sa’n man magpunta. Hindi ka nagrereklamo. Kaya lang, hindi ka rin umiimik. Magsasalita ka lang kapag suwelas ay sira-sira na. At kung kailan napamahal ka na sa akin, [...]
Entries from January 2009
January 15, 2009
Ang Klasrum
Maya-maya lang, babalik na naman ako sa klasrum na sing-lamig ng mga mukha ng mga estudyante ko. Para na naman akong magbubukas ng pinto ng refrigerator, sasalubong sa akin ang malamig na hanging ibinubuga ng dalawang airconditioner na naka-install sa klasrum. Pero mas malamig pa rin ang mga mukhang sasalubong sa akin–walang ekspresyon, walang damdamin, [...]
January 8, 2009
Ulan
Talim. Matalas ang mga patak ng ulan ngayong hapon. Walang awang hiniwa ng mga ito ang aking bumbunan, balikat, katawang hindi na napapayungan ng yakap.
Tigang. Masaganang ulan ang inaani ng lupa sa umagang ito ng Enero. Ngunit bakit lupa’y nananatiling tigang?
Tuyo. Parang tuyong nabalatan ng kaliskis ang mga labi, babad sa araw, hindi na nauulanan. [...]