I.
Naisip niyang masuwerte siya dahil napulot niya ang Rolex ni Richard Gutierrez na tumalsik mula sa naaksidenteng Porsche ng artista. Hindi makatiis ang tuwa, sumambulat ito mula sa kanyang dibdib at kumalat ang balita. Pero, hindi ang suwerte. Tinaga ng isang kapitbahay ang lalaking nakapulot ng Rolex na sana’y dadalhin sa bayan upang isangla, at [...]
Entries Tagged as ‘Prosa’
October 30, 2009
Ang Sumpa ng Rolex
February 17, 2009
Ang Invisible Force Field
Ang elbi ay nakalalasing. Sa elbi, parang walang problema, walang gulo, walang pakikihamok. Pakiramdam ng maraming estudyante dito ay para lang silang nagbabakasyon mula sa mausok na mundo ng Maynila. Umaapaw ang kawalang-pakialam (indifference) ng mga estudyante hinggil sa mga isyung panlipunang kung tutuusi’y may direktang epekto sa kanila, lalo na sa mga bagong estudyante [...]
January 15, 2009
Ang Sapatos
Ikaw ang sumasalo sa bigat ng katawan ko sa maghapong paglalakad. Ikaw ang pumuprotekta sa akin laban sa marahas na rabaw ng kalsada. Ikaw ang kasama ko, sa’n man magpunta. Hindi ka nagrereklamo. Kaya lang, hindi ka rin umiimik. Magsasalita ka lang kapag suwelas ay sira-sira na. At kung kailan napamahal ka na sa akin, [...]
January 15, 2009
Ang Klasrum
Maya-maya lang, babalik na naman ako sa klasrum na sing-lamig ng mga mukha ng mga estudyante ko. Para na naman akong magbubukas ng pinto ng refrigerator, sasalubong sa akin ang malamig na hanging ibinubuga ng dalawang airconditioner na naka-install sa klasrum. Pero mas malamig pa rin ang mga mukhang sasalubong sa akin–walang ekspresyon, walang damdamin, [...]
December 11, 2008
Maniobra/Money-obra (Pagpihit sa Kabilang Kanto ng Buhay)
Sinong mag-aakalang sa halagang kwarenta pesos ay mag-iiba ang ruta ng napaka-bata kong buhay?
Napagod ako kakaisip hanggang natagpuan ko ang sariling kumakapa sa bulsa kung saan may nakabaon palang babaryahing kwarenta pesos – sakto lang para makarating ako kung nasaan man ako ngayon, kung saan mag-iiba talaga ang hitsura ng buhay ko kaysa nakasanayan.
Naisip ko, [...]
December 11, 2008
Full Time/Fool Time
Hindi ko alam kung tama yung naging desisyon ko. kailangan yatang may magsabi saken na tama ang desisyon kong iwan ang pamilya’t pag-aaral para sa mas makabuluhang bagay. O pyudal pa rin siguro ako mag-isip dahil naiisip kong pwede naman maging maayos ang buhay ko kung susundin ko ang gusto ng mga magulang ko, kung [...]