Kung ang pangalan ko ang sasabihin ko, madali kong masasagot ang tanong na ito. Ngunit makasasapat ba ito para masagot ang tanong na “Sino ako?” Makabubusog ba ito ng kuryosidad ng mga nagtatanong? Para sa akin, isa ito sa mga tanong na napakahirap sagutin, napakahirap ikahon. Sapagkat ako ay napakabata pa. At ako ay kagaya ng mga isinusulat ko–laging work in progress. Kamatayan ang magtatakda ng kabuuan ko.
Sa ngayon, ako ay pagewang-gewang na nagtuturo ng Filipino sa dalawang unibersidad sa Cavite. Pagewang-gewang dahil kagaya ng mga manggagawa sa mga pabrika dito, ako ay contractual. Oo, part-timer ako. Kagaya ng lahat ng contractual, ako ay nasa kalagayang walang kasiguruhan. Ang kalagayan ko ngayon, kagaya ng identidad ko, ay hindi rin maikakahon.
1 Comment
February 17, 2009 at 11:53 am
mam,mhusay na mga akda.
haha!!
mam,pa-add po sa multiply.
http://www.julianrey15.multiply.com
tnx mam!!